Mga manunula natin sa HS pinakyaw lahat ng pwesto sa Timpalak ng Rotary Clubs

by | Feb 23, 2024 | Featured News, News Bulletin | 0 comments

Ang hindi marunong mag-mahal ng sariling wika, ay higit pa sa isang malansang isda.” – Jose Rizal

Isang mapagpalang araw mga San Lorenzonians!
Isang mainit na pagpugay sa ating mga mag-aaral na nagsipagwagi at nakakamit ng Una, Ikalawa, Ikatlo, at Ikaapat (tama, lahat ng pwesto ay pinakyaw) sa Timpalak Tulaan Tungo sa Kapayapaan na ginanap sa The Rocks Malasaga Corporate Center noong Pebrero 23, 2024.

Para makita ang iba pang mga larawan, click mo ito #podiumsweep #tatakSanLo

Ang Timpalak Tulaan Tungo sa Kapayapaan ay isang patimpalak sa pagtutula ng orihinal na piyesang likha ng mga mag-aaral na ang tema at paksa ay tungkol sa Kapayapaan. Ang patimpalak ay pinamunuan ng Rotary Club Makati Poblacion – RCMP, katuwang ng mga Rotary Club ng Metro San Pedro, Makati Pio Del Pilar, Atimonan Sunrise, Sta. Cruz, at Pagsanjan, kasama ng RMFB NCRPO at ng Radyo DZRH.

Ang mga nagsipaglahok sa patimpalak ay nagmula sa iba’t ibang Paaralan sa Distrito ng 3820 (Laguna, Batangas, Quezon, at Bicol), kung saan 12 mag-aaral ang napili mula sa 31 na nagsumite ng video-recorded ng orihinal nilang komposisyon. Ang 5 mga hurado ay nagmula sa Komisyon ng Wikang Filipino, Dale Carnegie Training Philippines, Regional Mobile Force Battalion NCRPO.


Ang mga pambato ng San Lorenzo School sa mataas na baytang ang nakakamit ng

Kampeyon: Alaiza Mari G. Manebog

Unang Parangal: Denise Lael Aednah T. Ramos

Ikalawang Parangal: Alliza Vilma D. Endrada

Ikatlong Parangal: Atasha Alexandra Y. Gaddi

(Ayon sa mga hurado, si Atasha Alexandra Y. Gaddi ay nakabilang din sa top 4 sa kanilang mga napili. Bagamat ito’y walang premyo, atin din siyang kilalanin sa husay na kanyang ipinamalas)

Para sa karagdagang mga larawan, click mo ito

Bago nagsimula ang timpalak ay nagbahagi muna ang panauhing pandangal na Laguna Provincial Director ng PNP, si PCol Gauvin Unos, ng mensahe para sa mga kabataan sa pamamagitan ng kanyang tulang nilikha:

Kabataan ang pag-asa ng ating bayan;

Hindi lang kayo basta parte ng ating kinabukasan;

Sa inyong mga kamay nakasalalay ang pag-ahon ng ating bansa;

Kayo ang huhulma sa bantayog ng ating republika sa kahit na anong larangan at paksa;

Umaasa po kami na sa simpleng patimpalak na ito ay lalo pang magningas;

ang alab ng inyong nasyonalismo sa puso sa bansang Pilipinas;

Alam naming darating ang panahon na kami ay mawawala sa mundong ito;

Subalit kami ay komportable dahil alam naming nandiyan kayo;

Ang laban namin sa ilegal na droga, ang laban namin sa terorismo;

Ay sa inyo namin iiwanan, sa inyo namin ipapamana; Kabataan… lalaban ka ba?

Ang inyong kapulisan ay handang gumabay saan man kayo magpunta… Kabataan, sasama ka ba?

Dahil sa inyong mga kamay nakasalalay ang kinabukasan ng ating bansa;

Kabataan, handa ka na ba?”

Maraming salamat sa mga Rotary sponsors ng ating mag-aaral:

Rotary Club of Metro San Pedro

Rotary Club of Muntinlupa Central

at Inner Wheel of Bacoor

Latest News

Calendar

April 2024

Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday
March 31, 2024
April 1, 2024
April 2, 2024
April 3, 2024
April 4, 2024
April 5, 2024
April 6, 2024
April 7, 2024
April 8, 2024
April 9, 2024
April 10, 2024
April 11, 2024
April 12, 2024
April 13, 2024
April 14, 2024
April 15, 2024
April 16, 2024
April 17, 2024
April 18, 2024
April 19, 2024

Category: General Recollection G9

April 20, 2024

April 21, 2024
April 22, 2024
April 23, 2024
April 24, 2024
April 25, 2024
April 26, 2024

Category: General Recollection G10

April 27, 2024

April 28, 2024
April 29, 2024
April 30, 2024
May 1, 2024
May 2, 2024
May 3, 2024

Category: General Recollection G6

May 4, 2024

Upcoming Events

xxx