Login to MathScoreLogin to MathScoreKoobitsOpen Larksuite WebLogin to SLS LMS

Foodfest 2.0 idinaos

Ni Ashley I. Agui

(mula sa pahina ng unang isyu ng Ang Aninag 2014-2015)

FoodfestAng Foodfest 2.0, sa pamumuno ng Homemakers Club, ay idinaos noong ika-26 ng Hulyo sa High School AVR.

Nagsimula ang palatuntunan sa pamamagitan ng isang panalangin na pinangunahan ni Bb. Annalou Sampang, ang ingat-yaman ng kapisanan, at sinundan naman ng panimulang pagbati ni Bb. Angeline Viray, ang presidente ng Homemakers.

Iba’t-ibang klase ng putahe ng entree, main course, at panghimagas ang inihanda ng bawat grupo sa sekondarya samantalang putaheng Pinoy naman ang inihanda ng mga grupo mula sa elementarya. Matutunghayan din ang mga fruit carving at napkin folding na ginawa ng mga piling mag-aaral. Mayroon ding chocolate fondue na nagmistulang isang atraksyon para sa mga bata.

Ibang klase ang Foodfest ngayong taon dahil hotel style ang tema. Ang mga miyembro ng Homemakers Club ay nakasuot ng pormal na kasuotan samantalang ang kinatawan ng bawat grupo ay nakabihis nang pang-chef.

Ang mga hurado ng nasabing patimpalak ay sina Bb. Tricia Abanilla, Bb. Lean Amil at G. Ian Caguitla, pawang mga propesyunal na kusinero.  Ang batayan sa paghuhusga ay ang mga sumusunod: 30% sa tekstura, 40% sa palatability at 30% naman sa presentasyon.

Ang mga puno ng palatuntunan ay sina Bb. Hazel Dalawampu at Bb. Jenny Fornasidoro.